![Picture](/uploads/4/9/7/6/49768203/2346386.jpg?216)
Marami ang nagsabing isa kang paraiso sa natural mong kagandahan. Wala kang ibinigay kundi ngiti at saya sa lahat ng iyong bisita. Pilit ka nilang binabalik-balikan. Tangi nilang bukambibig ay maganda ka, pino ang iyong kutis, malakristal sa linaw ang iyong luha, payapa ang iyong pag-iisip, at masarap ang iyong lutuin.
Kaya ako ay nagipon upang ikaw ay masilayan bago pa man maabuso ang iyong natural na kagandahan. Ikaw ay aking pupuntahan. Sa mga litratong aking nakita ay tunay ka ngang kabigha-bighani. Hindi ko maalis sa isip ang iyong ganda dahil dinaig mo pa si Natalie Portman. Ako ay nakakuha ng ticket at sa wakas magsasalubong na ang ating landas. Nang ako ay makarating, sa paliparan ay naligaw. Bakit puno ito ng dayuhan? Ako ba ay nasa Korea at puno ka nang mga banyaga? Mali ba ako ng sakay o mali ang binagtas ng eroplanong sinakyan? Ako ay nagpatuloy sa akng paglalakbay marahil ako lamang ay nahihibang. At sa aking paglalakbay isa lamang ang napagtanto, marami ka lang talagang tagahanga at pati dayuhang banyaga ay iyong handang pagsilbihan.
Nang ako ay makarating isa lang ang nasagi ng isip, Tama ang kanilang sabi. Ang iyong tubig ay parang kristal at ito ay mas maputi pa sa luha ng isang bata. Ang pino mong buhangin ay dinaig pa ang kinis ng aking iniibig. Ang lahat ng iyong nasasakupan ay payapa na tila ba ako'y nasa kalangitan. Ang pagkaing iyong hatid ay nakamamatay sa sarap at higit sa lahat, mas maganda ka nga kaysa kay Natalie Portman. O isla, mahal na kita at tayo'y magkikitang muli. Sana sa aking pagbabalik ay di ka pa nasasawi at malapastangan ng mga taong walang respeto at disiplina.